11
Aug
09

Humility please

Palagi akong nanunuod ng The Listening Post. Ito ay isang programa ng isang kapita-pitagang international news organization. Format nito ang suriin ang coverage ng media pagdating sa iba’t ibang isyung bumabalot sa sanlibutan.

At ngayon naisip kong manggaya sa format nila. wala lang. wala akong magawa eh. At ang trip kong pag-usapan ay ang media coverage of Tita Cory’s death. yes hanggang ngayon tita ko pa rin siya dahil close talaga kami. sa aking isip at damdamin…sa akin lang. haha

Bukod sa nag-uumapaw na pagmamahal ng mga Pinoy sa dating Pangulo ano pa ang napansin niyo sa coverage ng tv at radyo? ok bukod din sa freudian slip ng ilan na nagwiwish na sana si Gloria nalang ang namatay? hehe

una mula sa aking pu-so at balunbalunan (in a way) ako ay nagpapasalamat kay Kris Aquino for sharing her story about the last days of her mother sa isang interview. Mahalaga sa akin yun bilang isang Pilipino na nagmamahal kay tita cory. Pero napansin niyo ba on how media in a way put too much emphasis on Kris than her mother? sa isang saglit naramdaman niyo ba na parang si Kris na ang nagiging balita imbes ang dating pangulo? naumay ba kayo kay Kris?hehe

krisNaalala ko ang sabi ng journalism teacher ko nung high school na ang popularidad o pagkatanyag ng isang tao ay isang napakahalagang elemento ng balita. sabi pa niya kapag nadapa ang pangulo ng bansa balita yan. Pag ikaw ang nadapa anong pake namen kung bumalentong ka diyan? haha it was his way to make us understand the lesson…Aside from the fact that Kris is tita cory’s daughter, she’s undoubtedly one of the most popular celebrity in the country. At mas maganda nga naman at mas panunuorin (tingin nila)  kung ang bawat balita tungkol kay President Cory ay hahaluan ng elemento ni Kris Aquino. ok lang sana pero parang naging sobra naman ata. Parang lagi kang uhaw sa update about tita cory that time tapos si Kris ang lagi mong nakikita. Para duon sa mga naiirita kay Kris, haha malas naten niyo. Hindi kasalanan ni Kris ang maging sikat. Ang punto dito ay kung paano nilaro ng media ang katanyagan ni Kris para mas madrama ang balita at mas panuorin ng viewers…na sa tingin ko ay hindi naman talaga kailangan ng mga Pinoy.

coryabsTulad na lamang ng isang balita sa ABS-CBN…ang anggulo ng istorya ay ang kabutihan ni tita cory bilang isang ina. Sa halip na usual na interview ni Kris at ng ilan pang mga kapatid. The story featured the voice (VO) of Kris Aquino sa isang malumanay at medyo slang na english. Sabi ni Kris…

“Mom, I remember when I lost in a contest…a declamation contest…I called you on the pay phone…i was crying…I was afraid that you and dad might be disappointed…achuchuchu chenes…ek ek.”

WATDAPAK? hahaha ano naman ang pakialam namin sa declamation contest ni Kris na naganap 30 years ago? lols. Parang sobra naman ata. at sa totoo lang kung nais niyong ibalita on how tita cory wholeheartedly supported Kris in the darkest moments of her life. Yun ay nung kinasahan daw siya ng baril ni Joey Marquez at nang naghiwalay sila. at hindi nung matalo si Kris sa isang declamation contest! Nakakatawa rin isipin na ang media natin kadalasan minsan ay nagkakaruon ng SELECTIVE AMNESIA. Hindi ko naman ibig sabihin na halungkatin ang bawat detalye ng dating kontrobersya ni Kris at ilabas ang kanyang interview with Korina Sanchez sa TV Patrol nuon nang sinabi niyang “I grabbed at his genitals…I wanted to crush it” o kaya naman “I had an STD.” It’s just that tita cory is a great person na hindi lamang sa pagkatalo ng kanyang anak sa declamation contest maipapakita ng isang balita kung gaano siya kabuting ina. It turned out, umikot na ang istorya kay Kris on how she landed this international magazine’s front page when she campaigned for her dad…rather than simply focusing on how great tita cory as a mother.

jessicaOn the other hand, GMA 7 assigned Jessica Soho to cover the live update in Manila Cathedral mainly because among the station’s journalist, kay Jessica lang komportable magpa-interview sa Kris. Hindi ko alam kung bakit.  At mahalaga ang interview kay Kris. nuknukan ng halaga. Jessica is their biggest chance of getting an interview with the ABS-CBN star in times of fierce network war. Pero tila di pa maganda ang naging resulta. Dahil ang inaasahang maayos na interview…nauwi a sa pagtutukso (you know teasing) ni Kris sa posibleng love team nila Jessica Soho at Senator Noynoy. Pwede! hahaha

Sa coverage ng libing ni Pangulong Arroyo Cory…lahat ay nagulat ng biglaang pagbabalik ni Korina Sanchez…na ilang buwan lang ang nakararaan ay nagpaalam muna pag-cover ng NEWS sa network dahil matapos ang ilang taon ng kanilang relasyon ni Sen. Mar Roxas ay napagdesisyunan nilang magpakasal kung kelan malapit na ang eleksyon. Talagang nagkataon lang yun. yeah right! hahaha

Sa interview ni Korina kay Kris sa telepono…duon na naging malinaw kung bakit biglang sumulpot nagbalik ng araw na yun si Korina. Kris said…

“thank you Korina for being today’s anchor…I was the one who asked bos gabby na sana ikaw ang maging anchor ng libing ni Mom….”

Wow powerful!

Konting kwento about Kris. Sabi ng Prof ko nung college. Hindi raw magaling na interviewer/host si Kris Aquino. (Sabi niya yun ha) Kasi bilang host o nag-iinterview ng isang personality. You never argue with the interviewee. Dapat isipin mo na ang bida ng araw na yun ay yung kinakapanayam mo at hindi ikaw na host. Pero iba si Kris…sinasapawan pa niya ang ininterview niya. Sa huli mas marami pa siyang nasabi kesa dun sa kinakapanayam niya. haha pero ganun talaga siya. Ganun talaga ang batas ngayon sa showbiz, pag andiyan si Kris wag mo nang asahan na aangat ka sa eksena haha O kaya minsan naman kapag si Kris naman ang iniinterview, may tendency talaga siyang magbuhat ng sariling bangko. haha

kaya naman sa tuwing iniinterview si Kris lalo na about sa pagkamatay ng kanyang ina. Labis akong nananalangin na sana Kris sa pagkakataong ito…hayaan mo naman ang iyong magiting na INA ang maging bida at wag na ikaw. Kahit ngayon lang. Pero the way media handled it hindi talaga ganun. Ang personality ni Kris na dapat laging ANGAT ay isang bagay na mahusay na nalaro ng mga tv stations whether ABS-CBN or GMA pagdating sa coverage ng pagkamatay ni tita cory. Pansinin niyo, halos lahat ng story about tita cory’s death kailangan may element ni Kris kahit ang katotohanan na si President Aquino lang ay oks na oks na para sa sambayanan. Isang bagay na tila di naisip ng mga TV network sa atin.

Sa isang interview ni Kris. Nakwento niya yung simple conversation niya sa kanyang inang si tita cory. Sabi ni Kris… “Mom, they are planning to put Willie and I in a sitcom (tv show) together…Imagine kung gaano yun magiging hit?”

Tita cory simply replied…

“Humility please.”

I just love tita cory. hehe

mula dito ang piktyur, dito, at dito

Advertisements
09
Aug
09

WILLIE? wowowee??

wawawiiii!

wawawiiii!

Ilang beses nang nauso ang mga nagsusulputan at pausong mga “simba-simbahan.”

Yung mga kunwaring ministries at pinangungunahan ng isang tao na tingin ng mga miyembro nito ay napakabait at napakadalisay. Na kahit na anong gawin niyang mali ay tila okey lang para sa mga hypnotized nitong mga miyembro at mga taga-sunod. Parang “wowowee” na pinangungunahan ng lalaking akala ng marami ay umiinom ng tubig mula sa narure’s spring dalisay na bukal sa Maria Makiling kabundukan ng Sierra Madre…si Willie Revillame.

Alam ng lahat ang kagaspangan ng kanyang pag-uugali. Araw-araw nilang nasasaksihan on national tv kung paano niya pagalitan, hiyain at sermonan ang kanyang mga alipin o staff  sa programa. Sa tuwing wala sa timing ang kanyang audioman, o kaya slow ang kanyang magandang at bobitang dancer, o kaya naman dumaan ang isang cameraman sa kanyang likuran.

wala siyang pakialam kung napapanuod siya sa buong Pilipinas basta’t pag nagalit siya…magagalit siya. HARI EH. Mayaman eh. may yate eh. san kapa?

Tuwang tuwa ang lahat pag nakikita siya…sa tuwing lalabas siya opening ng kanyang programa, lahat ay masaya at nagpupugay. Kulang nalang ay lumuhod. Pero kapag nagsimula nang patugtugin ang kanyang hit na giling-giling…halata naman sa hilatsa ng kanyang mukha na napipilitan lang siyang magsaya, sumayaw at mangiti.

Kahit ganun…okey lang yun para sa mga audience na tuwang tuwa.

Tuwang tuwa ang lahat at tila kilig na kilig tuwing magda-drama siya na siya raw ay “iniiwan lagi at pinaglalaruan lamang ng mga kababaihan, kaya madalas daw siyang naiiwan sa kwarto nakatapis ng kumot…malungkot at nag-iisa.”

Alam niyo yung gimik niyang yun?

diba tuwang tuwa ang lahat at kyut na kyut sa kanya? lalo na ang mga matrona. Kilig na kilig ang lahat at kunwari’y naaawa sa mokong kanya…kahit naman tila alam na ng lahat na kaya siya iniwan ng kanyang dating asawa ay dahil umano biktima niya ito ng VAWC. violence againts women and their children.

Aaminin ko masayang manuod ng wowowee. San ka nga pa naman makakakita ng palabas na nagpapakita ng beybi pats ni Luningning? Sino ba naman ang di mati-TL (tulo laway) sa mga nag-gagandahang dancer tulad na lamang ni Paquita? o kaya ni Milagring? Sino nga ba naman ang di matutuwang makakita ng isang ina na bumabalentong sa stage para lamang sa limang libong piso? Sino ba naman ang di maaaliw na makakita ng isang kapwa-Pinoy na handang hiyain ang kanyang sarili on national television para lamang sa salapi?

Ganun naba kababa ang tingin ng mga producer (o si Willie mismo) ng show na to sa mga Pilipino?

o kaya naman, tingin nila ay mga hampaslupa ang kanilang mga tagasubaybay na handang gawin ang lahat para sa pera? OO! (in nora aunor tone)… sa hirap ng buhay ngayon, may ilang Pinoy na handang magmakaawa, ngumawa, magdrama, hiyain ang sarili at bolahin si Willie para lamang sa pera. Mga hampaslupa! mga isdang kanal! Pero hindi ibig sabihin nun… wala silang UTAK. (buntong-hininga).

Pero sa bandang huli, magtatanong ka sa sarili mo. Ako ba? ikaw ba? handa kabang gawin yun? for money? for fun? wag na uy hindi rin. Malamang yung mga nakagawa na nun sa programa, nagsisisi na ngayon.

Hindi ba madudurog ang puso mo o kikilabutan man lang na isiping ang iyong ina ay gumugulong-gulong sa stage para lamang sa five thousand? o kaya naman ang iyong bunging kapatid ay maging piyesa ng katatawanan ng “airhead” na host? mag-isip isip.

Tapos eto pa dumagdag pa ang pangyayaring to:

Naintindihan ko ang punto mo (Willie). Pero insensitive ka tsong. may mga bagay na mas makabubuting sabihin o gawin sa likod ng camera at hinding hindi sa harap sa sambayanan at sangkatauhan! Mahilig ka sa drama. yan at nakuha mo ang drama na hinahanap mo at pinalakpakan kapa ng mga tanga at bobo hypnotized mong audience.

Masaya kana? Lalo bang tumataas ang ihi mo?

Sige ipagpatuloy mo yang sayawan niyo ng nobade nobade bachu *clap clap!

*****

On a lesser serious mode, pinag-uusapan lang naman ang awiting “nobade nobade bachu *clap clap” Aaminin kong matagal nang tumatakbo ang awiting ito aking utak. At sa aking pagsesearch nalaman ko na Korean pala ang kumanta nito. (sorry late na ako lols)

at sa aking pananaliksik (talagang pananaliksik!) sa awiting nobade nobade bachu *clap clap…nakita ko ang video na ito.

Ito ay pinamagatang NANG SI JOLINA AY MAGING BAGETS…muli…

Ito ay isang patunay ng kahalagahan ng REHEARSAL para sa isang pagtatanghal… buti nalang magaganda sila.. at idinaan na lamag sa ganda ng kanilang kili-kili ang ikasasalba ng kanilang perpormans…lalo na si Jolina…bagets na bagets.

*PEACE and good night.

06
Aug
09

Siya ba ang namatay?

yellow Ilang araw na akong nagsi-CR na tumatambad sa akin ang pulang ihi. Yes, sosyal ako. Kung si Cedie ay isang dugong bughaw. Ako naman ay may ihing pula. sosyal. Dahil yan sa iniinom kong gamot dahil sa aking astig na karamdaman. Wag kayong mag-alala (kunwari concern kapa!) malayo to sa bituka.

Wala akong magawa sa araw-araw. Wala akong trabaho. Bagot na bagot sa araw-araw pero ok lang at least nasubaybayan ko kahapon ang buong araw na coverage sa libing ni tita cory.

Nanuod ako sa tsanel two. Di kasi ako makatagal kay Mike Enriquez sa tsanel seben kahit pilitin ko, di talaga kaya. Di talaga siya umaayon sa aking pagdadalamhati. May mga tao nga talagang di bagay sa mga sobrang lungkot na sitwasyon. Tsaka di ko pa siya napapatawad sa pagtawag niya ng ALE kay tita cory nung isang araw.

Nakakukurot nga ng puso ang speech ni Kris Aquino Lalo na nang sinabi niyang “Mom, I lied to you…” Di tulad ng speech ni Noynoy nung isang araw sa necrological services ni dating President Cory. Para lang siyang nasa isang kampanya sa Tarlac. Walang emosyon. Walang buhay. Pulitikong pulitiko na talaga ang kalbo sendaor na ito. Parang di siya namatayan ng ina. Pero sa bandang huli, nakatutuwang makita na naiyak din siya nang ipinapasok na ang kabaong ng ina sa puntod.

Tumatak din sa mga Pinoy ang mga awitin na ibinahagi ng country’s top singers. Lalo na ang pagkaka-awit ni Leah Salonga ng “Bayan Ko.” iba siya talaga. Habang siya ay kumakanta, parang muli kong naramdaman na dapat kong ipagmalaki na ako ay Pilipino.

Kumanta rin sina Regine, Ogie, Martin, Sarah atbp. Oo nga pala si Piolo Pascual din pala ay kumanta. Simple at maganda rin ang pagkakakanta niya. asyusual, marubdob pa rin ito. Parang nung inawit niya ang kanyang greatest hit as a singer…ang “speedbabad.” Sino nga ba ang makapag-iisip na ang jingle na commercial ng isang sabong panlaba ay magiging marubdob at makabagbagbag damdamin? Si Piolo lang nakakagawa niyan. “speed babad, hirap mo ay ooooover…” whew! napakahusay!

Mga alas-nuwebe na ng gabi nang tuluyang naihatid si tita cory sa kanyang huling hantungan sa Manila Memorial sa Sucat. I am also looking forward to personally visit tita cory there. Siyet sandali lang may tumulong dugo sa ilong ko. tisyu. yan ok na. Nakatutuwang isipin na ang lugar kung saan kami nagpa-practice ng sabayang pagbigkas nuong high school at laruan ng luksung baka ay siyang lugar din kung saan inilibing ang INA ng demokrasya.

Malungkot at mabigat sa loob ang libing ni tita cory… sarap tuloy matulog kasi tamang tama ang panahon sa marubdob kong damdamin…malamig matulog.

hanggang sa paggising ko…ito ang tumambad sa akin.

isang MALAKING huwwaaatt????

isang MALAKING huwwaaatt????

teka? Manila Bulletin? si Gloria ba ang namatay?

wish ko lang
*bad bad bad

04
Aug
09

Si Tita Cory, ang midya at ang TIYANAK

Galing kaming lamay…nakalulungkot. Malakas ang buhos ng ulan kaya nakitulog nalang kami sa bahay ng isang kabarkada. Di ako masyado nakatulog kasi naman, tatlo kaming nagsisiksikan sa iisang kama. Kaya naman pala sabi ng mokong kong kaibigan, “pagpasok sa kwarto, higa, tagilid tapos tulog.” Hanep. Ayun di tuloy ako makatulog. Mahirap na baka magising nalang akong may tumutusok sa likod ko. Nasa gilid pa naman ako at nakaharap sa pader.

Kinabukasan, nabalitaan ko nalang na patay na si Tita Cory. Nalungkot ako. Parang tumigil ang aking mundo sabay sa saliw ng isang malungkot na tugtugin. Gusto nang tumulo ng aking luha. Hanggang sa naisip ko. “ay nasa ibang bahay pala ako, nakakahiya.”

paalam, tita cory

paalam, tita cory

Nung nasa ospital pa si tita Cory (tita talaga kasi close kami). Ilang beses na sinabi ni Kris Aquino sa “Da baz” na “my mom is stable.” Linggo-linggo yun. Walang palya. Pero alam ko at alam ng lahat ng mga Pinoy na “in-denial” lang ang bunsong anak ni tita cory. Sa iyak palang ni Kris, alam namin na nalalapit na ang pagpanaw. Pero kahit gaano ka kahanda. Ganun pala yun. Pag andun na, alam mong patay na si tita cory. Masakit pa rin. Nakakaiyak. Wala na ang Ina ng demokrasya.

a worldwide icon of democracy

a worldwide icon of democracy

Ganun pala yun. Para akong namatayan ng isang malapit na kamag-anak. Na parang kahit mga simple at walang kwentang bagay. Napaka-emosyonal ko. Lalo na kapag pakiramdam ko nababalewala si tita cory.

Nanuod ako ng TV…

vicky

Mas lalo kong na-appreciate ang malumanay at mala- Wisk Ko Lang na boses ni Vicky Morales habang nag-a-anchor ng pagkamatay ni tita cory. Bagay na bagay ang kanyang boses sa aking kalungkutan. Ang ganda pa niya. Parang nananamnam ko ng tuluyan ang aking pagdadalamhati. Pero wag nalang natin pag-usapan ang kanyang partner na si Arnold Clavio. Ewan ko ba may mga tao talagang parang di bagay sa malulungkot na sitwasyon. Tapos nangingiti pa siya. Wag nalng natin siyang pag-usapan.

Natuwa ako sa kanilang coverage. Kumpleto sa tribute. Kumpleto sa videos at awitin. Halatang pinaghandaan nila ang pagkamatay ni tita cory. Na-appreciate ko yun. Ganun talaga kailangan “laging handa.”

Kapag commercial, nilipat namin ang tv sa tsanel two. Andun si Cess Drilon at Julius Babao. Parang nagugulumihanan pa sila sa mga pangyayari. Oks din naman ang kanilang coverage. Handa rin sila. May dasal agad ang station para kay tita cory kasama ang kanilang stars at starlets. Na-appreciate ko rin yun.

Para bang may karapatan talaga akong ma-appreciate ang mga yun? Kamag-anak ba ako? tsk tsk

Para ko na kasing nanay o lola si tita cory. Siya ang pinakamalinis na pangulo ng bansa. Isang ina sa ating lahat. Kaya naman di ako makapapayag na habang sa gitna ng aking pagdadalamhati ay makikita ko ang mga wowowee girls na nagsasayawan suot ang mapangahas na pananamit. Kung dati TL as in tulo laway ako kapag sumasayaw sina Luningning at Saysi..ngayon di ako natutuwa. Di na ako natutuwa sa mga “beybi pats” ni Luningning at sa “mala-dose pulgadang” bewang ni saysi. Hayaan nalang natin si Willie. Matagal na akong di natutuwa sa kanya. Wag nalang din natin siyang pag-usapan.

igiling giling

igiling giling

Gusto kong maiyak. Parang gusto kong sabihing…

“PuT*#ng  In@*g mga to! Anlalandi! Parang di na gigiling bukas!”

Nakakatawa. pero parang gusto kong maglupasay at maingak na tulad ng mga madadramang tagpo sa MMK.

Masyado ata akong naging emosyonal, affected. Pasensya na.

ehem..ehem...excuse me po!

ehem..ehem...excuse me po!

Pagdating ng gabi. Kung dati natutuwa ako sa tila naghahanap ng away na pagbabalita ni Mike Enriquez at ng walang humpay at paulit-ulit niyang pagbabakel at excuse me po. Pucha iba ang araw na yun.

Parang gusto kong sabihin. “Pu#@ng I#@! Mike, utang na loob. wag ngayon!”

Pero tila di nakinig si Mike. Tila di niya ginalang ang aking pagdadalamhati. Parang nagpapatawa parin siya kahit patay na si tita cory. Ganun talaga wala na akong magagawa ganyan na talaga ang istayl ng kanyang pagbabalita.

Pinagpatuloy ko ang aking panunuod. Hanggang sa tuluyan na naputol ang aking pasesnsya kay Mike. Sa napaka-simpleng dahilan…tinawag niyang ALE si tita cory. ALE? Sabi ni Mike habang nagbabakel na naman. “Si cory ay isang babae o ALE….” Hindi ko na narinig ang sumunod na sinabi ni Mike. Nang sandaling iyon, parang gusto kong pisilin ang kanyang ilong pisngi sa kanyang kakyutan, sabay buga sa kanya ng apoy! Sabay sabing “Mike…wala…tayo…sa…palengke! Hindi…ALE….si…tita….cory!”

kris abs

Bihira din akong matuwa kay Kris Aquino.

Pero nung lumabas siya sa DA BAZ nakita ko ang isang anak na nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang ina. Ok lang sige di na ako maaasar this time, pinanuod ko siyang maiyak habang kaharap ang BFF na si Boy Abunda.

Nakakatuwa rin na inamin ni Kris na sobra ang sama ng loob na binigay niya sa kanyang ina pero mahal na mahal siya nito. Bigla ko tuloy naalala nung naging national issue ang simpleng paghihiwalay nila ni Joey Marquez. Na kalahating oras ng isang primetime newscast ay inilaan para sa kanya…para lamang sabihing. “I grabbed at his genitals. I wanted to crush it.”   Pasesnya na hindi kasi ako malilimutin.

Interesado akong malaman kung paano ang mga huling oras ni tita cory. Salamat naman at ikinuwento yun ni Kris…

Pero tulad nga ng kay Mike Enriquez, pumalahaw din ako sa inis nang malaman kong binawi pala ng gobyerno ang mga security aide ni tita cory habang nasa ospital ito.

yeah surfing

yeah surfing

Pinakita rin ang video ng pakikiramay ni Gloria sa pamilya Aquino. Pero sa inis ko hindi na isang maliit na babae ang tingin ko kay Gloria kundi isang tiyanak…Isang tiyanak na minsang inihulog ni Lola Mary Walter sa isang pelikula…Kulang paba ang pagpapalaya mo sa mga suspect sa pagpatay kay ninoy?  Kulang paba yun?

Tulad ka sa isang tiyanak kung makaresbak kay tita cory. Dahil ba minsan ka nang sinabihan ni tita cory na “teh, uwi kana…magresign ka na.” Sobra ka makaresbak. Mas matindi pa sa sagpang ng isang tiyanak kay Mary Walter nuon sa pelikula.

wahhh!

wahhh!

Sana andito ka (Gloria) para nakikita mo kung gaano namin kamahal si tita cory. Kilabutan ka sana at wag nang ituloy ang chacha. Makita mo sana ang dami ng tao sa kalsada lalo na sa Ayala. Lagot ka. Mag-ingat ka.

Bukas ililibing na si tita cory. Paalam tita Cory. Mahal na mahal ka namin.

03
Aug
09

Hello world!

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!




supermankind’s blog

hindi si superman...di rin si mankind...
hindi isang superhero...lalong di rin wrestler...
isang abang blogger lamang na mahilig manuod ng wonderpets.