11
Aug
09

Humility please

Palagi akong nanunuod ng The Listening Post. Ito ay isang programa ng isang kapita-pitagang international news organization. Format nito ang suriin ang coverage ng media pagdating sa iba’t ibang isyung bumabalot sa sanlibutan.

At ngayon naisip kong manggaya sa format nila. wala lang. wala akong magawa eh. At ang trip kong pag-usapan ay ang media coverage of Tita Cory’s death. yes hanggang ngayon tita ko pa rin siya dahil close talaga kami. sa aking isip at damdamin…sa akin lang. haha

Bukod sa nag-uumapaw na pagmamahal ng mga Pinoy sa dating Pangulo ano pa ang napansin niyo sa coverage ng tv at radyo? ok bukod din sa freudian slip ng ilan na nagwiwish na sana si Gloria nalang ang namatay? hehe

una mula sa aking pu-so at balunbalunan (in a way) ako ay nagpapasalamat kay Kris Aquino for sharing her story about the last days of her mother sa isang interview. Mahalaga sa akin yun bilang isang Pilipino na nagmamahal kay tita cory. Pero napansin niyo ba on how media in a way put too much emphasis on Kris than her mother? sa isang saglit naramdaman niyo ba na parang si Kris na ang nagiging balita imbes ang dating pangulo? naumay ba kayo kay Kris?hehe

krisNaalala ko ang sabi ng journalism teacher ko nung high school na ang popularidad o pagkatanyag ng isang tao ay isang napakahalagang elemento ng balita. sabi pa niya kapag nadapa ang pangulo ng bansa balita yan. Pag ikaw ang nadapa anong pake namen kung bumalentong ka diyan? haha it was his way to make us understand the lesson…Aside from the fact that Kris is tita cory’s daughter, she’s undoubtedly one of the most popular celebrity in the country. At mas maganda nga naman at mas panunuorin (tingin nila)  kung ang bawat balita tungkol kay President Cory ay hahaluan ng elemento ni Kris Aquino. ok lang sana pero parang naging sobra naman ata. Parang lagi kang uhaw sa update about tita cory that time tapos si Kris ang lagi mong nakikita. Para duon sa mga naiirita kay Kris, haha malas naten niyo. Hindi kasalanan ni Kris ang maging sikat. Ang punto dito ay kung paano nilaro ng media ang katanyagan ni Kris para mas madrama ang balita at mas panuorin ng viewers…na sa tingin ko ay hindi naman talaga kailangan ng mga Pinoy.

coryabsTulad na lamang ng isang balita sa ABS-CBN…ang anggulo ng istorya ay ang kabutihan ni tita cory bilang isang ina. Sa halip na usual na interview ni Kris at ng ilan pang mga kapatid. The story featured the voice (VO) of Kris Aquino sa isang malumanay at medyo slang na english. Sabi ni Kris…

“Mom, I remember when I lost in a contest…a declamation contest…I called you on the pay phone…i was crying…I was afraid that you and dad might be disappointed…achuchuchu chenes…ek ek.”

WATDAPAK? hahaha ano naman ang pakialam namin sa declamation contest ni Kris na naganap 30 years ago? lols. Parang sobra naman ata. at sa totoo lang kung nais niyong ibalita on how tita cory wholeheartedly supported Kris in the darkest moments of her life. Yun ay nung kinasahan daw siya ng baril ni Joey Marquez at nang naghiwalay sila. at hindi nung matalo si Kris sa isang declamation contest! Nakakatawa rin isipin na ang media natin kadalasan minsan ay nagkakaruon ng SELECTIVE AMNESIA. Hindi ko naman ibig sabihin na halungkatin ang bawat detalye ng dating kontrobersya ni Kris at ilabas ang kanyang interview with Korina Sanchez sa TV Patrol nuon nang sinabi niyang “I grabbed at his genitals…I wanted to crush it” o kaya naman “I had an STD.” It’s just that tita cory is a great person na hindi lamang sa pagkatalo ng kanyang anak sa declamation contest maipapakita ng isang balita kung gaano siya kabuting ina. It turned out, umikot na ang istorya kay Kris on how she landed this international magazine’s front page when she campaigned for her dad…rather than simply focusing on how great tita cory as a mother.

jessicaOn the other hand, GMA 7 assigned Jessica Soho to cover the live update in Manila Cathedral mainly because among the station’s journalist, kay Jessica lang komportable magpa-interview sa Kris. Hindi ko alam kung bakit.  At mahalaga ang interview kay Kris. nuknukan ng halaga. Jessica is their biggest chance of getting an interview with the ABS-CBN star in times of fierce network war. Pero tila di pa maganda ang naging resulta. Dahil ang inaasahang maayos na interview…nauwi a sa pagtutukso (you know teasing) ni Kris sa posibleng love team nila Jessica Soho at Senator Noynoy. Pwede! hahaha

Sa coverage ng libing ni Pangulong Arroyo Cory…lahat ay nagulat ng biglaang pagbabalik ni Korina Sanchez…na ilang buwan lang ang nakararaan ay nagpaalam muna pag-cover ng NEWS sa network dahil matapos ang ilang taon ng kanilang relasyon ni Sen. Mar Roxas ay napagdesisyunan nilang magpakasal kung kelan malapit na ang eleksyon. Talagang nagkataon lang yun. yeah right! hahaha

Sa interview ni Korina kay Kris sa telepono…duon na naging malinaw kung bakit biglang sumulpot nagbalik ng araw na yun si Korina. Kris said…

“thank you Korina for being today’s anchor…I was the one who asked bos gabby na sana ikaw ang maging anchor ng libing ni Mom….”

Wow powerful!

Konting kwento about Kris. Sabi ng Prof ko nung college. Hindi raw magaling na interviewer/host si Kris Aquino. (Sabi niya yun ha) Kasi bilang host o nag-iinterview ng isang personality. You never argue with the interviewee. Dapat isipin mo na ang bida ng araw na yun ay yung kinakapanayam mo at hindi ikaw na host. Pero iba si Kris…sinasapawan pa niya ang ininterview niya. Sa huli mas marami pa siyang nasabi kesa dun sa kinakapanayam niya. haha pero ganun talaga siya. Ganun talaga ang batas ngayon sa showbiz, pag andiyan si Kris wag mo nang asahan na aangat ka sa eksena haha O kaya minsan naman kapag si Kris naman ang iniinterview, may tendency talaga siyang magbuhat ng sariling bangko. haha

kaya naman sa tuwing iniinterview si Kris lalo na about sa pagkamatay ng kanyang ina. Labis akong nananalangin na sana Kris sa pagkakataong ito…hayaan mo naman ang iyong magiting na INA ang maging bida at wag na ikaw. Kahit ngayon lang. Pero the way media handled it hindi talaga ganun. Ang personality ni Kris na dapat laging ANGAT ay isang bagay na mahusay na nalaro ng mga tv stations whether ABS-CBN or GMA pagdating sa coverage ng pagkamatay ni tita cory. Pansinin niyo, halos lahat ng story about tita cory’s death kailangan may element ni Kris kahit ang katotohanan na si President Aquino lang ay oks na oks na para sa sambayanan. Isang bagay na tila di naisip ng mga TV network sa atin.

Sa isang interview ni Kris. Nakwento niya yung simple conversation niya sa kanyang inang si tita cory. Sabi ni Kris… “Mom, they are planning to put Willie and I in a sitcom (tv show) together…Imagine kung gaano yun magiging hit?”

Tita cory simply replied…

“Humility please.”

I just love tita cory. hehe

mula dito ang piktyur, dito, at dito

About these ads

24 Responses to “Humility please”


  1. August 11, 2009 at 6:35 am

    simple: when kris speaks, everybody listens.

    grabe din ang karisma nitong si kris…

    may mga bloopers nga doon sa mga reporting.

    si henry umaga diaz sinabi “maraming dumalaw sa burol ni mrs. arroyo.”

  2. August 11, 2009 at 2:03 pm

    waaaah! aylabet! i love this piece, supermankind. natural na natural ang agos.

    i especially liked how it progressed from bits and pieces of trivia and opinion until the touching anecdote toward the end. *thumbs up*

  3. August 11, 2009 at 4:40 pm

    kokontrahin kita supermankind pero wag mo ko ipapa-ban dito ha? hehehehe jowkness

    actually, baliktad tayo. Ako naman, kahit pa’no, natuwa naman ako sa inasal ni Kris during the netire mourning period. Bakit? Well, at least she showed us na, kahit sya, umiiyak din nd todo-todo pag Nanay na ang nawala, na she’s still human. Doon sa parteng yun natuwa ako sa kanya.

    …pasensya na, I really like kasi her tactlessness…minsan over pero I like how she speaks her mind without any fear

    (punas ilong, nag-nosebleed sa masyadong kaseryosohan…ahehehehe)

    • 8 supermankind
      August 12, 2009 at 2:45 am

      oks lang yun anukaba. hehe

      ako rin naman natuwa kay Kris kasi sa pagkakataong ito…talagang nagpokus siya kanyang ina at hindi sa kanya. at nakisimpatya rin naman ako sa kanyang pagdadalamhati sa pagkamatay ng kanyang ina. Pero hahaha talagang may pero…wag naman niya sabihin na siya ang babaeng NINOY wag ganun hahaha

      And natutuwa rin ako sa kanya dahil nakikinig siya sa payo ng kanyang ina…minsan natanong siya kung tatakbo siya sa pulitika. Sabi ni Kris. “Sabi sa akin ng mom ko, hindi raw ako pwede mag-run in any public office until maging simple muna ang buhay ko…at mukhang matagal pa yun mangyari.” haha sa tingin ko naman hindi talaga mangyayari yun…na maging simple siya, hehe

      salamat sa pagdaan…thanks for speaking your mind. :)

  4. August 11, 2009 at 4:40 pm

    …may nakalimutan ako….ang ganda ng sagot ni Tita Cory huh?! simple pero may dating

  5. 10 supermankind
    August 12, 2009 at 2:46 am

    oo nga…humility please…hehehe

  6. August 12, 2009 at 12:31 pm

    ..ahhhhmm.. may prof ako ngayon na kahit pangalan lang ni kris ay ayaw marinig. dunno why. hahaha!
    ..pero ako, ayos lang naman si Kris. pinapakita lang nya kung sino sya talaga. ;)

  7. August 13, 2009 at 2:58 am

    mukahng ratsada na naman to! wahhh mag overtime ako pag binasa ko ngayun haha mamaya ko na basahin!!

    dalaw ka muna sa blog ko para sa next entry mo ha! hehehe

    thanks! may TAG AKO SAU!

  8. August 14, 2009 at 3:51 am

    napanood ko din sa umagang kay ganda na ininterview ang mga kasambahay ni pres.cory na nasa tarlac. wala lang haha. sa pagkaumay ko kay kris na kita ako ng panghimagas nun time na yun haha!!

    ratsada pasada ang blita sige panindigan naaaaaaaaa! hahah!

  9. August 15, 2009 at 4:26 pm

    haha.tama nga naman ang title,’humility please.’

    san mo nabalitaan na kay jessica lang comfortable magpa interview si kris?

    and, sino yang prof mo nung college na nagsabing hindi magaling si kris?

    a. cabahug
    b. bernabe
    c. borican (peyborit ko)
    d. lourdes dp garcia
    e. abadilla
    f. bernarte
    g. mora (peyborit ko)
    h. none of the above

    • 19 supermankind
      August 17, 2009 at 7:02 am

      si kris din ang nagsasabi niyan sa kanyang mga interviews…gustong gusto daw niya si jessica at no comment daw siya sa iba…haha pero alam mo ba may nahanap akong reason mula sa isa ring blogger…sabi kasi raw kamukha ni jessica soho si josh kaya gusto siya ni kris hahaha

      peborit ko rin si mam mora napakahusay na guro… yung prof na nagsabi na di magaling si kris ay isa ring masscomm prof pero hindi naman siya ganun kahusay kaya wag nalang natin siyang pag-usapan. hahaha

  10. August 16, 2009 at 2:59 pm

    ‘ for an article that begs the question of overexposure, it overexposes Kris.. ahahaha
    - ganda ng mga punto mo na linalathala mo dito sa iyong tabloid. i agree on some of your points but i thought the most important thing was not overshadowed by the charisma and overexposure of Kris.. at yun ang pagmamahal at pasasalamat sa isang lider na hindi perpekto pero mabuting tao at di tinuring na iba at bobo ang mga Pilipino.
    ‘ well-written post! keep it up! =)

  11. October 14, 2009 at 9:08 am

    SMK, i need your help pls…vote for me in the philippine blog awards!#35-flamindevil..pls click the link then you can see on the left side there’s a voting area.click#35 then submit vote.thanks in advance…this means a lot to me. :p

    btw, bonistation is number 33 and topexpress is number 34..u can vote 3 people at the same time. thanks po.

    http://pinoyexpatsblogawards.com/

  12. November 9, 2009 at 7:38 am

    dumaan para mangumusta

    update update..hehe

    advance merry xmas


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s


supermankind’s blog

hindi si superman...di rin si mankind...
hindi isang superhero...lalong di rin wrestler...
isang abang blogger lamang na mahilig manuod ng wonderpets.


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: