09
Aug
09

WILLIE? wowowee??

wawawiiii!

wawawiiii!

Ilang beses nang nauso ang mga nagsusulputan at pausong mga “simba-simbahan.”

Yung mga kunwaring ministries at pinangungunahan ng isang tao na tingin ng mga miyembro nito ay napakabait at napakadalisay. Na kahit na anong gawin niyang mali ay tila okey lang para sa mga hypnotized nitong mga miyembro at mga taga-sunod. Parang “wowowee” na pinangungunahan ng lalaking akala ng marami ay umiinom ng tubig mula sa narure’s spring dalisay na bukal sa Maria Makiling kabundukan ng Sierra Madre…si Willie Revillame.

Alam ng lahat ang kagaspangan ng kanyang pag-uugali. Araw-araw nilang nasasaksihan on national tv kung paano niya pagalitan, hiyain at sermonan ang kanyang mga alipin o staff  sa programa. Sa tuwing wala sa timing ang kanyang audioman, o kaya slow ang kanyang magandang at bobitang dancer, o kaya naman dumaan ang isang cameraman sa kanyang likuran.

wala siyang pakialam kung napapanuod siya sa buong Pilipinas basta’t pag nagalit siya…magagalit siya. HARI EH. Mayaman eh. may yate eh. san kapa?

Tuwang tuwa ang lahat pag nakikita siya…sa tuwing lalabas siya opening ng kanyang programa, lahat ay masaya at nagpupugay. Kulang nalang ay lumuhod. Pero kapag nagsimula nang patugtugin ang kanyang hit na giling-giling…halata naman sa hilatsa ng kanyang mukha na napipilitan lang siyang magsaya, sumayaw at mangiti.

Kahit ganun…okey lang yun para sa mga audience na tuwang tuwa.

Tuwang tuwa ang lahat at tila kilig na kilig tuwing magda-drama siya na siya raw ay “iniiwan lagi at pinaglalaruan lamang ng mga kababaihan, kaya madalas daw siyang naiiwan sa kwarto nakatapis ng kumot…malungkot at nag-iisa.”

Alam niyo yung gimik niyang yun?

diba tuwang tuwa ang lahat at kyut na kyut sa kanya? lalo na ang mga matrona. Kilig na kilig ang lahat at kunwari’y naaawa sa mokong kanya…kahit naman tila alam na ng lahat na kaya siya iniwan ng kanyang dating asawa ay dahil umano biktima niya ito ng VAWC. violence againts women and their children.

Aaminin ko masayang manuod ng wowowee. San ka nga pa naman makakakita ng palabas na nagpapakita ng beybi pats ni Luningning? Sino ba naman ang di mati-TL (tulo laway) sa mga nag-gagandahang dancer tulad na lamang ni Paquita? o kaya ni Milagring? Sino nga ba naman ang di matutuwang makakita ng isang ina na bumabalentong sa stage para lamang sa limang libong piso? Sino ba naman ang di maaaliw na makakita ng isang kapwa-Pinoy na handang hiyain ang kanyang sarili on national television para lamang sa salapi?

Ganun naba kababa ang tingin ng mga producer (o si Willie mismo) ng show na to sa mga Pilipino?

o kaya naman, tingin nila ay mga hampaslupa ang kanilang mga tagasubaybay na handang gawin ang lahat para sa pera? OO! (in nora aunor tone)… sa hirap ng buhay ngayon, may ilang Pinoy na handang magmakaawa, ngumawa, magdrama, hiyain ang sarili at bolahin si Willie para lamang sa pera. Mga hampaslupa! mga isdang kanal! Pero hindi ibig sabihin nun… wala silang UTAK. (buntong-hininga).

Pero sa bandang huli, magtatanong ka sa sarili mo. Ako ba? ikaw ba? handa kabang gawin yun? for money? for fun? wag na uy hindi rin. Malamang yung mga nakagawa na nun sa programa, nagsisisi na ngayon.

Hindi ba madudurog ang puso mo o kikilabutan man lang na isiping ang iyong ina ay gumugulong-gulong sa stage para lamang sa five thousand? o kaya naman ang iyong bunging kapatid ay maging piyesa ng katatawanan ng “airhead” na host? mag-isip isip.

Tapos eto pa dumagdag pa ang pangyayaring to:

Naintindihan ko ang punto mo (Willie). Pero insensitive ka tsong. may mga bagay na mas makabubuting sabihin o gawin sa likod ng camera at hinding hindi sa harap sa sambayanan at sangkatauhan! Mahilig ka sa drama. yan at nakuha mo ang drama na hinahanap mo at pinalakpakan kapa ng mga tanga at bobo hypnotized mong audience.

Masaya kana? Lalo bang tumataas ang ihi mo?

Sige ipagpatuloy mo yang sayawan niyo ng nobade nobade bachu *clap clap!

*****

On a lesser serious mode, pinag-uusapan lang naman ang awiting “nobade nobade bachu *clap clap” Aaminin kong matagal nang tumatakbo ang awiting ito aking utak. At sa aking pagsesearch nalaman ko na Korean pala ang kumanta nito. (sorry late na ako lols)

at sa aking pananaliksik (talagang pananaliksik!) sa awiting nobade nobade bachu *clap clap…nakita ko ang video na ito.

Ito ay pinamagatang NANG SI JOLINA AY MAGING BAGETS…muli…

Ito ay isang patunay ng kahalagahan ng REHEARSAL para sa isang pagtatanghal… buti nalang magaganda sila.. at idinaan na lamag sa ganda ng kanilang kili-kili ang ikasasalba ng kanilang perpormans…lalo na si Jolina…bagets na bagets.

*PEACE and good night.


10 Responses to “WILLIE? wowowee??”


  1. August 10, 2009 at 2:08 am

    nakakapagtaka na kahit alam ng madame ang masamang ugali nya, siya pa ang kinuha ng ch2 to host that afternoon show. worst is madame naniniwala sa kanya. what’s wrong with these people? i tried watching him pero he’s never good, ang bulol. finefake pa ang luha. PATHETIC!

    btw, last yr I was diagnosed with STAGE 2 ADVANCED MODERATE PTB. Scary no? ;D Uminom ako ng 9 tablets/day for 9 months.

  2. August 10, 2009 at 4:43 am

    ..ahhhhhhhm sa mga nabasa ko sa itaas, base sayong obserbasyon ukol sakanya (willie) may punto ka. ngunit subalit datapwat. hehe, baket sa ganung mga inaasal nya? hanggang sa ngayong pagkakataon. bakit madami parin ang may gusto sakanya? malamang. sasabihin mo ulit na *bobo at hampaslupa* ang mga may gusto sakanya? ngunit naisip mo ba na madami din syang napapasaya?
    ..peace tayu ah. hehe. ;)

    • 4 supermankind
      August 10, 2009 at 3:13 pm

      oo naman. napapasaya nga niya ako eh lalo na ng beybi pats ni Luningning. hehehe sa tingin mo ba malalaman ko yung observation na yan kung hindi ko tiniis na panuorin siya nuong una? hehe gustong gusto ng pamangkin ko ang opening nila…yung giling-giling…pero hanggang dun lang yun…kasi pag nag-umpisa na ang show dun kana makakaramdam ng kilabot sa mga pinag-gagagawa ng host.

      Hindi ko naman tahasang sinabi na hampaslupa ang nanunuod ng wowowee. Eh di hampaslupa na pala yung mga mayayamang TFC subscribers? I was just referring to the producers point of view. Producers of the show or willie himself. Yun ang tingin ng producers ng show sa mga viewers at contestant…sa tingin mo ba kung hindi mababa ang tingin nila sa mga viewers hindi nila gagawin ang segment na willie of fortune??? na kailangan pang magmukhang tanga yung contestant para lang mas malaki ang pera na ibibigay ni Willie? or kailangan pang ilabas ng isang contestant ang kanilang darkest secret on national television? Hindi yan pagkakataon. There are pool of people who screen these people before becoming a contestant. This is all for the sake of ratings. Tingnan mo nga naman biswal na biswal diba kapag makakita ng isang sumasayaw o bumabalentong na contestant? Pero what I am trying to point out is viewers do not deserve this. Matatalino ang mga viewers natin. Huwag sana nila i-level na hanggang ganito lang tayo kababaw. hehehe ang haba na ng sinabi. I mean IANGAT naman natin ang quality ng ating mga programa, wag naman sana yung mga ganyan na nagiging kahihiya hiya na at katawa-tawa ang mga Pinoy. hehehe ang haba na talaga nito. hahahaha I know in a way napapatawa ka rin ng wowowee, ako rin naman eh…pero there must be a better entertainment than this…hehehe
      sige exchange link tayo. :)

      • August 10, 2009 at 3:21 pm

        ..ang haba nga kuya. hehe. opo ahhhhhhm update ko po links ko on sat. pag la nako pasok. hehe.
        ..may p0int ka kuya. ganun ata talga. basta depende na rin naman yan sa mga manonuod kung pano nila uunawain ang show na yan.
        ..igiling giling! yeah. hehe. :p

  3. August 10, 2009 at 9:57 am

    lahat naman tau may side A side B na ugali..kaya dapat tingnan din naten ang larger picture of the story…kaso mejo naplastikan ako tlg kay willie..i dont think kc na kylangan pang ipagsigawan sa buong earth na nakikidalamhati xa habang may nasayaw na sexy sa show nia..tsaka routinary naman show nila bket hnd siya nag isip na “uy, libin/burol ni tita cory, bket hnd tau gmawa ng hart wermeng-once-in-a-lyftym opening namber?”…

  4. 7 supermankind
    August 10, 2009 at 3:15 pm

    ako kasi avid fan ako ni Willie hahaha yang mga observation ko na yan…ibig sabihin niyan ilang taon ko na siyang napapanuod. haha hampaslupa ako eh joke

  5. August 10, 2009 at 4:33 pm

    heheheh.
    tama lahat ng iyong sinabi…
    hehhe
    padaaan.
    wala na kong maidagdag pa eh.
    hehehe.
    inubusan mo ko ng sasabihin
    apir!

    ingat ka palge. =)

  6. 9 supermankind
    August 11, 2009 at 1:01 am

    hahaha salamat sa pagdaan.natatawa ako sa pangalan mo. Kung ganyan ang dating ng pangalan ko siguro pwede akong machongOSO o kaya machongBAKA. bwahahaha

  7. August 11, 2009 at 6:42 am

    hay salamat at dininig din ang dasal ko. noong dumaan ka sa blog ko, di ka nag-iwan ng link kaya hanap tuloy ako ng hanap ng blog mo para mailink kita…

    naka-link ka na sa akin kapatid!

    God bless +


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s


supermankind’s blog

hindi si superman...di rin si mankind...
hindi isang superhero...lalong di rin wrestler...
isang abang blogger lamang na mahilig manuod ng wonderpets.


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.